"Ang gwapo ni Pyramus, nagmana sa peronica ang kanyang kutis..." Tumingin si reyna Pyramia sa mukha ni Perlend kahit na maputla at nanlalagas ang mga buhok nito sa higaan na parang mga petal ng bulaklak, ngunit nandoon parin ang kanyang kagandahan. "Nagmana parin sa mukha mo Perlend ang mukha ni Pyramus." Sa isang iglap linamon ito ng pagkatulog.
Biglang nakarinig si reyna Pyramia ng mga kumakatok sa mga pintuan sa kabilang silid, hinahanap ang reyna at nagmamadaling lumapit sa silid ng prinsesa nang makitang bukas ito. Ang tatlong kawal ng peronica na mala rosas ang baluti, biglang pumasok sa pintuan at napatigil nang makita ang reyna na merong hawak na sanggol.
"Mahal na reyna, may irereport po kami sa iyo—kanino pong sanggol iyan?" Sabi ng kawal na si Terron, nakatayo ang stilo ng buhok nito dahil sa hilig nitong magpapansin sa mga babae.
"Sabihin nyo na agad, dahil meron akong mas mahalagang ipapagawa sa inyo ngayon." Gising na ang sanggol at natutuwa si reyna Pyramia ng makitang maliksi ang mga galaw ng sanggol.
"Meron po kaming nahuli na isang babae sa likod ng palasyo, ngunit ang sabi niya, galing siya sa thallerion at katulong ng prinsesa Perlend." Medyo lumalim ang boses ng kawal nang banggitin ang pangalan ng prinsesa, alam kasi ng kawal na si Qun Lun na nagdadalamhati pa ang reyna lalo na't katatapos lang ang seremonya sa patay.
"Nagulat po kami sa kanyang sagot, sapagkat matagal na pong pinaniniwalaan na patay na ang prinsesa ng peronica." Dugtong pa ni Qun Lun, meron itong hawak na kalatas at may balbas sa mukha, at makapal ang tono ng boses niya. "Diniin niyang katulong siya ng prinsesa Perlend sa Thallerion. Sa duda namin, ikinulong namin siya pansamantala hangga't hindi nyo po ito mapasyhang palayain."
"Meron din po itong dalang abo, sa wari namin baka abo iyon ng kanyang mahal sa buhay, dinala pa niya dito sa Peronica." Sagot naman ng pangatlo. Wala itong katangkaran ngunit mataba, siya ay si Delvin. Nakita ni reyna Pyramia ang mga mata nila ay naglilibot sa higaan at nakita ang isang babaeng natutulog.
"Palayain nyo ang katulong ng Thallerion... At ipamalita nyo sa buong Peronica—buhay pa ang anak ko at merong anak na lalaki!" Utos ng reyna. "Sabihan nyo ang mga mayayabang na mga ministro, ang mga angkan na balak palitan ang angkan ko, sabihin nyo: 'ang anak ni Perlend ang susunod na tagapagmana, sa angkan ko."
"Ang prinsesa ng peronica ay buhay pa po?!!!" Sabi ni Delvin na gumuhit sa kanyang mga mata ang saya at galak ng marinig ang katutuhang buhay pa ang prinsesa. Bumulwak ang mga mata nila nang marinig ang sabi ng reyna. "Ang prinsesa po ba iyang natutulog sa higaan?" Tanong ni Terron nang hinahanap nito si Perlend. Tumango lamang ang reyna at seryosong tiningnan ang mga kawal na napalunok ng lalamunan sa pagkabigla.
"Nakakaawa pala ang sumpa ng Phoenix." Sabi ng matabang kawal na si Delvin, halos maluha sa nakitang kalunos-lunos na sinapit ng prinsesa dahil sa kagat ng sumpa. Si Delvin ang dating tagahatid-sundo kay Perlend kung may mga okasyon sa lungsod kaya masakit para sa kanya ang sinapit ni Perlend.
"Ngayon din po mahal na reyna, susundin namin ang iyong utos. " Sabi ni Qun Lun, siya ang pinaka maaasahan sa kawal ni Pyramia sa pangongolekta ng mga balita sa loob ng bansang peronica.
"Sandali lang, gusto ko makita ang abo na bitbit ng katulong ni Perlend." Sabi ni Pyramia sa mga kawal niya. "Kung maaari dalhin nyo sa akin."
Ipinamalita agad ng mga kawal ang tungkol sa pagbabalik ni Perlend, subalit parang buso na nagdagsaan ang mga reaksyon ng mga konseho, ministro at mga maimpluwensyang tao sa peronica. Nang malaman ng mga matatanda ang tungkol sa sumpa ng Phoenix, agad lumapit ang mga angkan ni reyna Pyramia upang tulungan si Perlend. Ang sabi ng mga matatanda wala talagang gamot sa ganitong sumpa.
Sinabi ni Perlend ang abo ay hindi isang abo ng tao kundi, isang misteryosong lumitaw sa tabi ng sanggol kaya maraming kuro-kuro ang mga pinuno ng mga angkan sa peronica na baka ang anak ni Perlend ang bagong hinirang ng Phoenix.
"Mahal na reyna, kung totoo ang sinasabi ni Perlend, na galing sa phoenix ang abo na yan, baka nga totoo—Ang sanggol ang bagong hinirang?" Sabi ng matandang babae, May mga tattoo ito sa balat na parang babaylan. Kumakaliling ang mga agimat na gawa sa mga bato. Ang mga hikaw nito sa tenga ay matutulis na parang kuko ng agila.
"Pasensya na kayo, lola Sentheria kung hindi ko masagot ng direkta ang tanong na yan... ngunit, wag kayo magalala—nagpasagawa na ako ng pananaliksik sa ating mga mapagkakatiwalaan tauhan." Sagot ni reyna Pyramia.
"Meron lumang abo ng phoenix na preneserba, iyon ang magiging kasagutan natin kung pareho nga ang abo na lumabas." Sabi ni Sentheria. Kahit na matanda na siya, kinikilala parin ang kanyang presensya sa mga nakatataas. "Kapag napatunayan ng angkan, na si Pyramus ay hinirang... Sabihan mo ang thallerion: 'Hindi pwede tumira ang anak ni Perlend sa Thallerion."
"Matandang Sentheria..." Dumating ang ibang angkan sa pamumuno ni Garith. "Hindi yata maganda na kayo-kayo lang ang nagpupulong tungkol sa phoenix." Maangas ang mga tindig nito na parang nagmamalaki. Matulis din ang ngiwi ng kanyang ngoso at ang kanyang postura ay may pag-iingat sa mata ng mga publiko. "Hindi yata natutunan ng reyna ang tamang diplomasya sa bansang Peronica?" Sarkastikong bati ni Garith. Napakunot ang nuo ni reyna Pyramia dahil sa maanghang na bati ni Garith. Pumukpok ang Paa ng sungkod ni Sentheria sa pagdating nila Garith.
"Pasensya na, naisip ko kasing wala rin naman kayong alam tungkol totoong pinagmulan ng angkan namin." Sabi ni Sentheria at kumalatog ang mga porcelas sa kamay niya na yari sa mga bronse at jade. "Kaya kung pwede lang sana—labas na kayo sa usapang phoenix!"
"Peronican tayong lahat tayo dito, masyado nyo naman iniisip na espesyal ang dugo nyo." Sabi ni Garith, naupo siya sa malapad na mesa, at ginaya siya ng ibang pinuno na kasama niya. "Balita ko, kinain na ng sumpa ang anak ni Pyramia...mukhang magkatotoo parin ang mga paniniwalang namatay na ang prinsesa."
"Pwede ba, makiramay ka naman sa reyna." Sabi ni Sentheria. "Kayong lahat, kung hindi kayo makikipagsimpatya sa kalagayan ni prinsesa Perlend, maari na kayo umalis sa pagtitipong ito." Linibot ni Sentheria ang mga bagong dating na mga panauhin. Ngunit, naramdaman nila na nakikiayon naman ang karamihan, maliban kay Garith.
"Ang Thallerion pala ang dahilan ng pagkagising ng sumpa?" Sabi ni Garith. "Nangyari ang alyansa, bago nawala ang prinsesa, malaking sampal ito sa angkan nyo. Biruin mo—Thallerion lang pala ang dadagit."
"Wala akong balak na magalit sa Thallerion, ang totoo nagpapasalamat ang buong angkan ko sa pagkasilang ng bagong tagapagmana ng angkan namin—at lalaki ang sanggol." Sabi ni reyna Pyramia. Nasasaktan man si reyna ngunit inisip na lang niya ang naging reaksyon ng angkan tungkol sa pagkakataon na bumukas ng bagong tagapagmana.
"Magtapat nga kayo sa buong angkan, plinano nyo ba ito? Mukha kasing pinalabas nyo na handa nyo isakripisyo ang prinsesa para sa bagong tagapagmana sa lihim na paraan?" Sabi ni Garith na parang manok na handa ng sumalpak. Nanigas ang mga panga ni reyna sa mga salita ni Garith. "O baka gawa-gawa lang din ni Perlend na nabuntis siya ng hari ng Thallerion. Gaya ng kanyang pagkawala, akala ng lahat patay na—buhay pa pala at nagkaanak pa!" Iniisip ni Garith na kung nagawa nga manipulahin ni Perlend ang kanyang pekeng pagkamatay malamang, isa rin pagsasadula ang kanyang pagbubuntis.
Lumagapak ang kamay ni reyna Pyramia sa mesa at kumunot ng magaspang ang nuo niya, ngunit pinilit ni reyna Pyramia na hindi siya magskandalo, huminga siya ng malalim at seryosong tiningnan si Garith. "Pinatawag ko na ang hari Thallerion. Darating na yon anumang oras para opisyal na pagkilala ng totoo ama ng sanggol."
"Nagtataka lang talaga ako, bakit kaya pumayag ang hari ng Thallerion para mag-asawa sa isang prinsesa na merong bitbit na sumpa?" Sabi ni Garith. "Ang tanga naman yata ng hari ng Thallerion."
"Tumigil ka na sa kadadada, nauubos na ang oras dahil sa kasasalita mo, hindi ito lugar para sa tsismisan o bangayan!" Sabi ni Sentheria, nananakit man ang kanyang mga kasukasuan sa matagal na kahihintay na tumigil na si Garith, hindi parin naman nagmumukhang matanda si Sentheria, kahit na mataas na ang edad niya. Iyon ang isa sa mga katangian ng kanilang dugo—Hindi sila nagmumukhang matanda.
"Kamamatay lang ng asawa ko, at kasalukuyang lubog na sa banig ang anak kong si Perlend...hindi mo ba magawang ipagsantabi muna ang mga pampulitika ingay? Narito tayo para pagusapan ang tungkol sa phoenix, ang abo na nasa harapan ngayon ay patunay na muli ng bumalik sa angkan namin ang phoenix."
"Ang phoenix ay sa atin lahat, bakit di nyo kasi maamin ang bagay na yon?" Singhal ni Garith at sineryoso na ang paguusap. "Lahat ng angkan natin dito sa Peronica ay may iisang pinagmulang puno, kaya bakit nyo idiniin na sa "inyo lang"?"
"Sinabi ko na nga sayo diba, wala rin naman kayo alam sa pinagmulan ng angkan namin," giit pa ni Sentheria, pumukpok ulit ng sungkod at nababagot sa mga salita ni Garith. "Oo, iisang puno lang ang pinagmulan ng mga angkan natin, pero hindi ibig sabihin —bahagi kayo sa phoenix." Mas lalong umusok ang ilong ni Garith at nagkibit-balikat.
"Mga nakatataas na pinuno ng mga angkan, pati na mga ministro na nakikinig at kayong mga konseho, makinig kayong lahat." Sabi ni Garith, sinuyod niya ang buong silid ng pagpupulong at tumayo sa pinag-uupuan. "Kung mapapatunayan na may bagong hinirang ng Phoenix, hindi ba kayo natatakot na baka lusubin tayo ng Aquila na parang kidlat na mula sa Elanthro?" Napatingin ang lahat kay Garith at nagbubulungan. May mga nagsasabi: Hindi biro ang kalabanin ang Aquila ng Elanthro, ayon sa alamat buhay pa ang hinirang nito at nasa lupalop ng himpapawid naninirahan kasama ang malaking ibon. Ngunit ang Kuro ng iba: Hindi dapat matakot sapagkat makapangyarihan din ang phoenix, at hindi basta-bastang namamatay. Ang sumpa lang ang nagbibigay ng sagabal sa lahi ni reyna Pyramia.
Umayos ng pagkakaupo si matandang Sentheria, pumukpok naman ng malakas ang sungkod upang tumigil ang mga bulangan ng mga tao sa paligid. "Talaga bang iniisip nyo na natalo ang hinirang ng Phoenix noon?" Tumaas ang mga kilay ng mga pinuno at napalingon. "Ang totoo, hindi natalo ang phoenix kundi nagkaroon ng kasunduan ang dalawang hinirang para sa kapakanan ng mga tao."
"Kwento-kwento mo lang yon! Ang mga Elanthro ang nagsasabi na nagapi ng Aquila ang phoenix." Diin pa ni Garith.
"Yon nga ang dahilan kaya sinasabi ko—wala kayong alam tungkol sa angkang phoenix, dahil karamihan sa mga angkan ng peronica galing sa Elanthro, tumakas kasama sa hinirang ng Phoenix papunta dito sa Peronica." Sagot ni matandang Sentheria.