Cherreads

Chapter 21 - Chapter 21

"Silver? Wake up, baby," I patted silver's cheek lightly.

Dahan dahan itong dumilat, "Hmm, Mamma."

Sumiksik pa ito sa leeg ko, napangiti ako.

"Silver, wake up. You still have school," I caressed his back.

Ilang Segundo pa ay umupo na ito sa kama at kinusot ang mata nito.

It's already 5AM at 7AM ang pasok nya, uwian nya ay 9AM sa kindergarten lang naman sya.

"You fix the bed and take a bath, okay? I'll cook breakfast." Malambing kong utos sakanya.

Nang tumango ito ay hinalikan ko ang pisnge at noo nito.

Si silver ay marunong nang gawin ang mga iyon, he's always seeing me doing hous chores and he told me na gusto nya tumulong kaya tinuruan ko sya.

Iyon nga lang ay parang naging problema ko pa, dahil pagkatapos kong maituro sakanya ang Tamang pagliligpit ay naiinis ito kapag may makitang kahit isang kalat.

Naging maarte din sya, ayaw nyang Basa ang tiles na sahig namin. Ayaw nya din na may kung ano anong bagay na wala sa pwesto.

Pag may nakita sya ay kunot noo nya itong dadamputin at aayusin, minsan ay may nakakalimutan akong basura.

Nakalimutan kong itapon, ang Sabi nya saakin ay, "Mamma. You're messy."

Noong sinabi nya sakin ay feeling ko na 'back to you' ako.

Dahil iyon ang palagi kong sinasabi noong 2 years old pa sya, makalat kasi sya dati.

Raising silver, I learned how to cook properly.

Pinilit ko ang sarili ko na matuto sa mga gawain sa bahay na hindi ko kaya dati, because I want silver to apply it in his life.

Hindi habang buhay ay may nandyan para sa iyo.

Natapos na ang pagluto ko ng bacon and ham ay syang pagbaba ni silver sa hagdan.

He was wearing his black pants and white plain T-shirt with rubber shoes, naka tucked-in ang damit nito sa pants nya. Nakasuklay na din ang buhok nito.

Wala naman kasing uniform ang kindergarten dito, basta formal at malinis ay ayos na.

Silver knows how to fix himself, noong three years old sya ay tinuruan ko sya at unti unti nasanay na sya na sya na ang gagawa.

I want him to be independent at such a young age, but not to the point na hindi nya na ako kailangan.

I'm still reminding him that I'm always here whenever he has a problem.

"Mamma, I want to go to the mall after school." Saad nito habang naglalagay ako ng pagkain sa plato nya.

"Okay baby, we will go to the market to buy some staff for here, okay?" Tumango ito saakin at nagsimula nang kumain.

Naglagay muna ako ng pagkain ko sa plato ko bago ako nagsimulang kumain.

Matapos kumain ay hinatid ko na si silver sa school nya, tsaka ako bumalik sa bahay.

Pagpasok ko sa living room ay nakita ko si epsilon sa na nakaupo sa couch.

He was wearing our uniform, the black elite uniform with the gold lining.

Bigla ko tuloy namiss.

Bumaling ang tingin nito sakin, nakayuko kasi sya. Nasalubong ko ang asul nitong mga mata.

"Here," tinuro nya ang puting folder na nasa lamesa.

Umupo ako sa tabi nya at kinuha ang folder.

It was the information about carpio, pictures and the places where he's located and where he had been.

"Irene is no longer with him," napalingona ko kay epsilon.

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong.

"Irene was in Sylvester Mafia, she's Vladimir's sovietnik." Seryosong Saad ni epsilon.

Vladimir's sovietnik, it's the advisor of the pakhan. Vladimir was the pakhan—the boss, and Irene was his advisor or so-called 'consigliere' in Italian.

I requested epsilon to investigate carpio and Irene and especially, vlad.

I wanted to know if vlad and Irene are okay, and also I want to know where carpio is.

Hindi pa rin ako natatahimik, the rage is still inside me.

And I won't be able to be at peace when I know he's still breathing and living his best life after what he had done.

"Are you going back to russia?" I nodded at him.

"Silver's graduation is next week, and we're gonna celebrate his birthday there." Napatango-tango si epsilon.

"Just make sure that you're ready," he said seriously.

Natulog si epsilon saglit sa couch at umalis na rin dahil may dadalawin pa daw sya, dumiretso na ako ng school ni silver para sunduin sya.

Nagsilabasan na ang mga bata at sinasalubong ng kani-kanilang magulang.

Napatingin ako sa di kalayuan, napansin ko ang buong pamilya. The father was carrying his child, and the mother was laughing.

Napaisip tuloy ako, if vlad was here.. Would we be like that?

But that's impossible. I ruined everything.

I ruined us.

"Mamma?" Napababa ako ng tingin sa harap ko.

"You okay?" Ngumit ako kay silver at tumango.

"Yes baby, let's go?" Pagkatango nito ay hinawakan ko ang maliit na kamay nito at naglakad na papunta sa gawi ng kotse ko.

Pagkarating sa mall ay bumaba na kami ng kotse, naging tahimik ang buong byahe dahil nakatanaw lang si silver sa bintana.

"Where do you want to go, silver?" I asked.

"Mamma, I want to play." Tumango ako dito ay pumunta kami sa area na meron mga machine.

"Go, baby." Saad ko pagkatapos ko sya bigyan ng token para ihulog sa machine.

Nag e-enjoy lamang ako panoorin si silver na maglaro, una ay naglaro sya sa claw machine at nakakuha sya ng dolphin stuffed toy, Pagkatapos ay lumipat sya sa basketball machine. Sumali ako sakanya sa pag s-shoot ng bola.

Tuwang tuwa si silver at ako din, tangina. Parang feeling ko nag h-heal ang inner child ko.

Ilang minutong paglalaro ay naramdaman ko na parang may nakamasid saamin, palinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang kahina-hinalang Tao.

Nang magsawa na si silver ay dumiretso kami sa supermarket area.

Namili lang ako ng mga kailangan sa bahay at mga snacks, biscuits tsaka gatas ni silver.

Kasalukuyan akong nasa counter ngayon nang mapansin kong wala si silver sa tabi ko, napakunot ako ng noo at biglang kumabog ang puso ko.

Nilibot ko ang paningin ko, maya maya pa ay nakita ko na si silver palapit sa gawi ko.

Napakunot ang noo ko nang makitang may dala-dala itong limang balot ng ramen, pagkalapit nya saakin ay nilagay nya sa basket ang dalawa nya.

"Did we run out of ramen, baby?" Tanong ko dito.

Dahil sa pagkaka-alala ko ay may ramen pa Doon. Hindi na lang ako nagsalita nang tumango ito.

Pagkatapos ko magbayad sa counter ay lumabas na kami, inayos ko muna ang pinamili namin sa backseat bago ako pumasok sa driver seat.

Sa pag d-drive ko ay pansin kong kanina pa nakakunot ang noo ni silver, pag kasi ganyan sya ay may iniisip sya o di kaya' galit ito.

"Is there something wrong, Silver?" Saad ko habang saglit na bumaling ng tingin dito.

"Mamma, I met a woman at the supermarket earlier when I was reaching for the ramen." Pag kwento nito.

"And?"

"I can't reach it so she reached it for me, then when she saw my face she looked so shocked." My brows furrowed.

"She looks like her 20s, by the way, and she said I exactly looked like her uncle." Saktong hininto ko ang kotse dahil nasa harapan na kami ng bahay.

"Come again, baby?" Kunot noo kong tanong sakanya.

"The woman said I looked like her uncle." Pag ulit nito habang kunot noong nakatingin sakin.

Bigla kong naalala na may pamangkin si vlad, could it be?

No, i hope no.

"Did.. She told you her name?" I managed not to stutter.

"Yes," Kalmado na ang ekspresyon nito.

Bigla akong kinabahan, please no.

"She said her name is agafya."

Fuck.

________

🦋

More Chapters